Pages

Sunday, June 16, 2013

Basic Information

Enerhiya


Bakit mahalaga ang enerhiya sa Market Glory?


Sa kadahilanang:

  • Depende sa lebel ng iyong enerhiya ang makukuha mong bonus sa paglaban ng referral.
  • Isa rin itong imprtanteng factor sa pagkalkula ng iyong productivity
  • Ang porsiyento ng referral earning ay naka depende rin sa enerhiya.
  • Ang iyong atake at depensa ay apektado rin ng itong enerhiya.
Ang enerhiya ay tumataas kung ikaw ay magcoconsume ng goods.  Halimbawa, ang mababang kalidad ng pagkain ang magbibigay ng isang (1) level na increase sa iyong enerhiya.  Ang mataas ng kalidad naman ng pagkain ay magbibigay sayo ng 5 energy, so ang kalidad ng goods ay mahalaga sa Market Glory .  Ang energy ay tataas kapag ikaw ay nag-consume ng kape, pagkain, gatas, alak nagbasa ng dyaryo, nakatira sa bahay ay may suot na damit.

Gaano kadaming enerhiya ang iyong makukuha?

   PAGKAIN:
  • 1 para mababang kalidad
  • 3 para normal na kalidad
  • 5 para sa mataas na kalidad
Ang pagkain ay nacoconsume apat (4) na beses isang araw, tuwing 3:15, 9:15, 15:15, at 21:15 oras ng Market Glory.  Ang pagkain ay mabibili sa lokal na tindahan (pilipinas) gamit ang lokal na pera (php) or sa Global na tindahan (Global market) gamit ang ginto.  Pagkatapos bumili ng pagkain makikita mo ang stock ng nabili mo sa menu profile/inventory.

  DAMIT: 
  • 1 para mababang kalidad
  • 3 para normal na kalidad
  • 5 para sa mataas na kalidad
Tandaan lang na ang damit ay tumatagal lamang hagang sampung araw (10).  Ito ay mabibili sa lokal na market gamit ang piso (php) or Global na market  gamit ang gold.   Pagkatapos bumili ng damit makikita mo ang stock ng nabili mo sa menu profile/inventory.

   KAPE:
  • 1 para mababang kalidad
  • 3 para normal na kalidad
  • 5 para sa mataas na kalidad
Ang kape ay pwede mo i-consume kahit ilang beses.  Ito ay mabibili sa lokal gamit ang piso (php) or Global gamit ang gold na Market.   Pagkatapos bumili ng damit makikita mo ang stock ng nabili mo sa menu profile/inventory.

   GATAS:
  • 1 para mababang kalidad
  • 3 para normal na kalidad
  • 5 para sa mataas na kalidad
Ang gatas ay maiinom lang isang beses sa loob ng isang araw at magbibigay ng enerhiya pagkabilimo pa lamang.    Ito ay mabibili sa lokal na market gamit ang piso (php) or Global Market gamit ang gold.

   BAHAY:
  • 7 Bahay
  • 20 vilya
  • 35 palasyo
Ang bahay ay tumatagal ng hanggang 30 araw.  Ito ay mabibili sa lokal na market gamit ang piso (php) or Global na market gamit ang gold.  Pagkatapos bumili ng bahay makikita mo ang stock ng nabili mo sa menu profile/inventory.  Para magamit ang bahay pumunta sa menu profile/inventory at tirhan ang bahay na binili.

   ARTICLES:

Makakakuha ka ng 0.30 points na enerhiya sa bawat isang articles na iyong bibilin.  Maaari kang bumili ng hanggang 10 articles kada araw.  Ito ay mabibili sa home page.

   ALAK: 

Ito ay magbibigay ng enerhiya kung ilan ang nakalagay kung kelan mo ito binili.  Maaari lamang uminom ng alak isang beses sa isang araw.  Ang enerhiyang makukuha mo sa alak ay nakadepende rin kung gaano na ito katagal sa iyong inventory nadadagdagan ang energy ng alak ng .10points kada labingdalawang oras o .20 kada araw na nasa stock mo ito.  Ang alak ay mabibili lamang sa lokal na market gamit ang piso.  

   KESO: 

Ang keso ang magbibigay ng 50 energy kada araw. Sa lokal na market lamang din ito maaaring bilhin.


Para sa damit at bahay ang energy makukuha mo dito ay hahatiin kada oras.  Halimbawa, para sa mababang kalidad ng damit, ang 1point na energy ay distributed into 1/24 kada oras, 3/24 sa normal na kalidad at 5/24 para sa mataas na kalidad ng damit.  Ganoon din sa bahay, mahinang klase 7/24, sa vilya naman ay 20/24 at 35/24 naman para sa palasyo.

PAANO NABABAWASAN ANG IYONG ENERHIYA?

Ang iyong energy ay nababawasan ng  limang (5%) porsiyento kada oras, ng limampung (50%) porsiyentokada pagtratrabaho at ng  sampung (10%) porsiyento kapag ikaw ay lumanban.  Mas mataas ang iyong enerhiya mas mataas ang iyong kikitain at mas mataas ang taxes na makukuha sa iyong referral.

Ngunit tandaang kailangan mo ring i kumpara ang iyong gastos sa pagpapataas ng enerhuya versus sa kikitain.  Hindi laging maganda ang may mataas na level ng enerhiya.  Mapapataas ang enerhiya hanggang 100 porsiyento.

No comments:

Post a Comment